top of page
Writer's pictureprecy ibasco

We went to SIARGAO! Siblings Travel Goals

Updated: Aug 23, 2023

JUMP TO;

 

If pupunta ka ng Siargao soon, baka makatulong to. Nagshare ako mga tips here and our experiences. Enjoy reading!


Drone Shot_Siargao


Dahil nakakaluwag luwag na kameng pamilya, goal talaga nameng magkakapatid na makapagtravel sa iba't ibang location dito sa Pilipinas, actually gusto namen mapuntahan muna lahat ng tourist spots here bago kame mag abroad.

So today, sshare ko yung Siblings Travel namen in Siargao last June 16-21, 2023.


Marami rami na kong napupuntahan na lugar even before pero so far masasabe ko na na the best experience ko to. Nalampasan ng Siargao yung dating Top 1 ko which is Calaguas.

So eto na nga, kung nagpplan ka pumunta ng Siargao soon, baka makatulong tong blog ko;

Commute/Flight:

Taga Rizal kame so malayo sa Airport, at dahil tamad kameng lahat, nag Grab kame mula sa bahay hanggang Airport. Alas 12 yung departure namen pero alas 9 pa lang nasa Airport na kame.

Tip 1: Bili ka na food or kumain ka na if maaga ka dadating, tapos unahin mo na icheckin yung baggage mo kung meron man. Sa PAL kame nagbook so merong FREE 10 kilos check in at 7 kilos carry on.

Wag masyado magworry sa kilos per bag if may kasama ka, kase tintimbang naman nila in total, so kunyare 11 kilos bag mo pero 9 kilos lang sa kasama mo, pwedeng pwede na. (Nangyare kase samen literally)

Tip 2: I-make sure mo na yung toiletries mo e nakalagay sa check in para less hassle. Pati mga nail cutter or if may maliit na gunting for any reason.

>Yung kapatid ko kase dalawang beses nascan and naharang yung luggage, laughtrip nga yon eh kase kabado pa kame nung una. And we're like, "whaaaat??? Tumunog na naman bag mo? Favorite ka ng tadhana!"

Tip 3: If may dala kang tumbler, wag mong kalimutang i-empty bago ka pumasok sa security check. Then refill mo na lang sa loob after. NEXT - wag mong kalimutan i-open lang yung takip bago mag take off yung flight para di maipon yung pressure.


Itinerary:

Day 1 SOHOTON TOUR

✨Diving/Swimming with Stingless Jellyfish

✨Bolitas and Crystal Cove

✨Hagucan Cove

✨Underground River

✨Tiktikan Cove/ Tiktikan Lake


Super worth it!! One of a kind experience. ♥️

Yung package na kinuha namen is with Wow Siargao Island Travel and Tours. Don na kame naghanap mismo sa Siargao, hindi mo kelangan i-plan ahead, literal na pagdating mo don marami ka na makikita nagooffer tour packages.

Kasama sa package namen yung iconic boodle fight. Pero yung reason bat namen sila pinili is dahil sa FREE Drone shots!

Sasakay nga pala kayo ng bangka papunta sa Sohoton Tour (30-45 mins yata yun)

May separate tour guide sa mismong Sohoton, may marerentahan din kayo snorkeling mask at fin.

TIP 1: Sa mismong Sohoton na kayo magrent ng mga gears kase mas mura ng 50 pesos something compared sa Tourism Office.

TIP 2: Yung bihis nyo is hindi dapat pang awra na dress or something, diretso bihis na kayo ng pangswim and wag kalimutan mag sunscreen.

TIP 3: Always bring water.

DAY 2 Island Hopping

✨Naked Island

✨Daku Island

✨Secret Island

✨Guyam Island



Best part is the Drone Shot. Lol! 😂

Naset ng sobrang taas ng mga tour guides nung DAY 1 yung standard dahil sa pagiging proactive and friendly nila so today's experience is a bit meh. 🥴

But of course we still made sure we get to enjoy and nangulit talaga ng bongga para sa Drone shot. Hehehe. 😁

Tour also ended at 3 pm-ish so we had ample time to dine and bar-hop. ♥️


(NASA FOOD SECTION YUNG KUNG SAAN SAAN KAME KUMAIN AND UMINOM, CLICK MO HERE)

TIP 1: Unlike nung Sohoton Tour, TAKE NOTE na wala kayong madadaanan dito na marerentahan ng snorkeling gear or fins, so magrent na kayo sa Tourism office bago umalis ang bangka.

(Dahil akala namen gaya ng sa Sohoton to na baka mas makamura kame, hindi kame naniwala kay Kuya tour guide nung sinabe nya na walang marerentahan ng gears sa pupuntahan namen, kaya ayun - nganga. TRUST ISSUES YAARRRN?!)

DAY 3 Land Tour

✨Maison Bukana Private Villa

✨Maasin River

✨Coconut Road

✨Magpupungko Rock Pools

✨Sugba Lagoon



Another Great Experience today with Tour Guide Ate Jane ♥️♥️

We love the drone shots so muchhhh. Tapos gulat talaga kame don sa Human Drone. Iba talaga yung saya eh. Deserve nila Kuya ng Tip. Lol!

30 mins boat ride to Sugba Lagoon and all I was praying for was "Sana may fins please" and we're so glad na meron!! (Pero mas maganda if sa Tourism office na din kayo magrent, take NOTE - sa SOHOTON lang yung may magandang Gears)

Nabobo pa kame at first sa kayaking, multiple Titanic scenario yarrn 😂

Day 4 Tuktuk Journey

✨Tayangban Cave Pool

✨Catangnan-Cabitoonan Bridge

✨Magpupungko (Part 2)


Last Whole Day in Siargao so we rented Tuktuk to drive around the Island, Php1200 - super sulit na. Ginamit na din namen to papuntang Airport pauwi. ♥️

This is the best day for me kase hawak namen oras namen and nalibot namen yung breathtaking sceneries sa Island.

Lunch at turo-turo carinderia, canyoneering and swimming at Tayangban Cave Pool, and another picture taking sa Magpupungko (though di namen naabutan yung crystal kayak kase high tide na).

At night we still went out for froyo and ice cream and bumili sila souvenirs. ♥️

TIP 1: If bet nyo magpapicture ng sa Crystal Kayak, make sure agahan nyo kase pag nag high tide na ng hapon, hindi na kayo makakapagpa-picture

TIP 2: You'll be tempted to choose motorcycle para sa Joyride, pero if Umaga kayo maglillibot mas okay talaga yung Tuktuk kase para di kayo mabilad sa araw or di kayo maulanan. Less hassle.

Day 5 Last Hurrah (Half Day Tour) ♥️🥲

✨Cloud 9

✨ Ink Digger Tattoo


We just realized we made a mistake of not going to Cloud 9 first. Ewan ko ba anong nangyare bat hindi namen naisip na unahin to, but it's okay, we can do this again next time. 😌

We also had our 2nd siblings tattoo which is "surprise tattoo" by Inkdigger. It was fun and the thrill was there - I comically picked a rose for my tattoo and I don't like flowers being tatted on my skin but I ended up liking it anyway. It's cute naman pala. 😁

Accommodation:

Since mas pinili nameng magtipid sa Accomodation, hindi kame nag Hotel or mamahaling resort. We chose 3 Kids Homestay instead.

Maliit lang yung room but just enough sameng 5. Airconditioned and may own Restroom. May shared lutuan sa labas.

Nagdown lang kame ng Php1500 for reservation, and the rest is bago umuwi. Php350 per day yung transient.

TIP 1: If gaya ka namen na naniniwala na instead gumastos ng mahal sa accom eh tutulugan lang naman, eh mas okay nang idagdag yung pera para sa activities and food - then look for transients like what we did. I also recommend 3 kids Homestay kase malapit lang sya sa Tourism Road kung san nakahilera na lahat ng kainan, inuman, etc.

Food and Drinks:

DAY 0

Nakarating kame sa Siargao ng around 5 Pm-ish, so nag Dinner kame sa BEBIES Barbecue - sobrang sarap and hindi din kamahalan yung food.

We ordered ihaw syempre, barbecue, liempo, chicken inasal, chicken neck, isaw, and Chopsuey pangbalanse.


DAY 1

Breakfast eh syempre luto lang sa transient (may malapit na Grocery (TAG Grocery) sa transient namen, walking distance lang, may ATM na din. May Php30 charge yung ATM, pero may malapit din na BDO - 2 streets away sa transient namen.)

Lunch - Iconic Boodle Fight (kasama sa tour package to)


Nagorder kame ng sisig, kare kare, sinigang na hipon - sobrang sarap ng kare kare as in. Actually lahat naman masarap. Then cocktails after, iba't iba inorder namen di ko na maalala ano yung kanila.

May live band nga pala sila tas aliw na aliw kame kay Ate server kase panay joke.

DAY 2

Same breakfast and Lunch scenario. (Pero mas masarap yung iconic boodle fight ng DAY 1)

We love the Lasagna and the parang empanada something na may cheese. (Medyo pricey yung food pero madami pala kase yung serving)

Nag bar hop din kame sa Cantina Luna (cocktails lang ulet) Tapos nagbrown out dahil may sunog sa Cloud 9. :(

Then 2nd bar is SIBOL Bar (Pero ayaw na pala namen mag drinks kase maaga pa yung tour kinaumagahan, so nag coffee kame.)

I love their Spanish latte! May live band din sila (Reggae style)

DAY 3

Same breakfast scenario, wala na boodle fight pero kasama pa din food sa package - pero we dine lang sa carinderia.

Dinner sa Transient kase nakabili kame malalaking CRABS OMGGGG.

DAY 4 & DAY 5 Tuktuk Journey to so kung san san na kame kumain, pero honorable mentions;

TAHANAN CAFÉ - sobrang epic neto kase nung Day 2 dito dapat kame kakain tapos naligaw kame, di namen sya makita tas gabi na and madilim tas nagkatakutan pa kame, tila mga baliw lang.


So ayun, Tahanan Cafe is probably one of the best food stop na nakainan namen. Sobrang sarap ng mga food, to the point that it was actually too good for its price - kase di talaga sila overpriced compared sa mga nauna naming kainan. 10/10 highly recommended.

Favorite ko yung pizza and baguette na inorder ko. Sulit sobra!


Read my Full Blog featuring Tahanan Cafe HERE.

KANAWAY SNACK BAR - sina Andi Eigenmann yung owner neto, I'm sure you've heard. Inorder ko yung Sunset Lover na smoothies bowl, I love the flavor bomb - like crunchy, sweet, tangy, creamy. The best!


Recommendations and Tips:

So maliban sa mga Tips na namention ko sa taas, eto pa following tips I think would help you big time;

  1. Pack light - wag ka na magoverpack like we did kase meron naman laundry shops. Nagpalaundry lang din kame.

  2. If you're after surfing - go to Cloud9 first; If you're after night life pero gusto mo pa din magawa yung mga tours, add 2 more days, kase di ka naman makakapag night life ng malala if may early morning tour ka.

  3. If you're a Digital Nomad like me, ask your accommodation first if ano internet speed nila.

  4. Bring extra extension wire kapag marami kayo para di nagaagawan sa saksakan.

  5. If kukuha kayo package sa Wow Siargao, mangulit kayo ng mangulit ng Drone shots if hindi gaanong proactive yung makukuha nyong tour guide para di sayang sa oras.

  6. Magrent na lang din kayo Tuktuk for transpo nyo papunta airport if wala kayo service.

  7. Pag maghahanap kayo ng transient, wag nyo piliin yung sobrang lapit sa tourism road and night life, mahirap makatulog.

  8. Always pack extra meds, emergency kit


And that concludes our Siblings Travel to Siargao! I hope this helps and maenjoy mo sana nang bongga yang vacation mo.

Safe travels! Mwah!

29 views0 comments

Comments


bottom of page