"Pasasaan ba't mapapagod ka din."
Sambit nya isang umaga habang kami'y nagaagahan. Napatingin ako sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata.
Sa kasulok-sulukan ng pintong patungo sa kanyang kaluluwa, hindi maikakaila ang pighati, pagdadalamhati at pagkapagod.
Pagod sa lahat ng bagay na sinubukan nyang takbuhan mula noon pa man.
Ang mga gabing pinipilit nyang matulog nang mahimbing ngunit nakabibingi ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Ang mga oras na bigla na lamang mapapawi ang mga ngiti nya sa kadahilanang naniniwala sya na ang lahat ng saya ay may katumbas na pighati.
Ang mga sandaling sarili nya ay hindi maintindihan at nangingibabaw ang takot sa pagaakalang walang handang dumamay.
Ang mapanlinlang na isipan na patuloy na gumugulo ng kanyang kapayapaan.
Hindi nya man sambitin, ngunit batid ko.
Ngumiti ako at inabot ang kanyang mga kamay,
"Oo. Mapapagod ako. Ngunit ikaw ay aking paulit ulit na pipiliin."
#May2ndEntry #Ika'yPipiliin
Grabbed from an old post HERE.

Comments